Si Trinidad Perez Tecson ay binansagang “Ina ng Biak-na-bato” at “Red Cross” sa kanyang kapanahunan. Noong 18 ng Nobyembre 1848 sa San Miguel de Mayumo, Bulacan ay isinilang si Trinidad. Ang kanyang mga magulang ay sina Rafael Tecson at Monica S. Perez na parehong maagang namayapa. Natutunan ni Trinidad Tecson na bumasa at sumulat sa schoolmaster na si Senor Quinto. Si Triniddad ay eskrima ang ang pinagkakaabalahan, kakaiba mula sa hilig ng ibang mga dalaga. Mahahalatang si Trinidad ay isang matapang na babae, kaya naman ay sumali bilang mason sa Logia de Adopcion, na laan para sa mga kababaihang mason. Sa edad na 47, sa taong 1895 ay sumapi naman si Trinidad sa Katipunan, at nanumpa gamit ang kanyang sariling dugo. Tumulong sya sa grupo sa pamamagitan ng pagpupuslit ng mga armas  mula sa Korte sa Caloocan at San Isidro. Nang magsimula ang rebolusyon, si Trinidad ay nagtrabaho sa ilalim ni Heneral Mariano LLanera. Muntik na siyang madakip noong panahong nagdedeliber sya ng pagkain na laan sa kanyang mga kasamahan sa gitna ng laban sa San Miguel. Isa si Trinidad sa mga kasamahan ni Heneral Gregorio Del Pilar ng Bulacan. Sa biak-na-bato ay doon nakitaan ng husay sa paggamot ng mga sugatang kasamahan nya. Dito ay bumuo si Trinidad ng pangkat na nag-alaga sa mga maysakit at sugatan. Dahil dito ay tinawag syang “Inang” ng mga kasamahan nyang tinulungan nyang malunasan ang sakit maging ang kani-kanilang mga sugat. Kumalat sa Ilocos, Laguna at Batangas ang mga pangkat niyang nag-aruga sa mga sugatan, at naitanyag ang bansag sa kanya na ‘Inang sa Biac-na-Bato.’ Si Trinidad ay hinirang na “Ministro ng mga gamit ng himagsikan” noong Enero 23, 1899 bilang pagkilala ng pamahalaan ng himagsikan sa kanyang kagitingan at kagalingan. Pagkatapos ng digmaang naganap ay kinilala ng mga Americano ang kanyang husay sa paggamot at pagtulong sa mga nasugatan sa panahon ng digmaan. Nang ilunsad ang Philippine Red Cross ng mga Americano, si Trinidad ang kinikilalang Inang na nagsilang ng Red Cross sa bansa. Sa gulang ng 80 taon nuong Enero 28, 1928, sa Philippine General Hospital ay syang kanyang panahon ng kamatayan. Buong pugay siyang inilibing sa Himlayan ng mga Bayani.

Comments